BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Wednesday, December 2, 2009

Winter Rush

Oh well, another day has passed, sa mundong ibabaw. Ewan ko sa mundong ilalim, (hehehe...) Habang nagtatype ako ngayon, eh, ang view sa labas --- the snow is falling. Well, patikim pa lang nama yan, kasi mahina lang eh, pahapyaw kumbaga. Hehe.. These is the season that the sun goes into hiding.. In short, nagdadamot ang araw, Sa summer na daw sya ulit lalabas. Hehehe..

Madalas na ang dilim sa paligid. Bilang din ang mga oras ng labas ng araw, mas madalas pa na hindi ito nagpapakita. 8 na ng umaga, madilim pa rin. Kaya siguro maraming taong nadedepress dito, lalo na sa mga taong galing sa lugar na buhay hanggang alas-4 ng madaling-araw. Yung tipong hindi mabubuhay ng walang ginagawa, kahit yung pagtambay magdamag. Walang ganun dito eh. Mga tao dito, pagdating ng alas-5 o alas-6 (pinakalate na yan), nasa loob na ng bahay yang mga yan, nagbuburo sa harap ng telebisyon. Sabagay, ano bang pwedeng gawin sa labas kung ang panahon eh di naman kaaya-aya?

Lapit na ng pasko. Ilang araw na lang. Pati ang 2009, bilang na din ang mga araw. Panibagong taon na naman. This year, i think, has never been fruitful to any nation, lalo na, sa tingin ko, ang Pilipinas. 2009 is one of the darkest years in Philippine History. Off to a bad start, ends with a rough statement. But the thing is, even though their in these kind of days, Filipinos have this no-surrender-attitude amidst the crisis they're experiencing. Christmas is still a very important holiday for pinoys. No one can deny that. Not even strings of typhoons or massacres can hold back the filipinos to celebrate christmas. Ganyan kaming mga pinoy.

It's 5pm already and im still typing here. Hehehe.. Madilim na sa labas, parabg 8 na ng gabi. Well, sabi ni haring araw eh tapos na ang serbisyo nya at maghintay na lang daw ng susunod na kabanata ng summer season. Napakadilim sa labas. Habang nagtatype ako dito sa kwarto ko, eh, nakatingin ako sa bintana. Wala akong maaninag, kundi maliliit na kislap ng mga ilaw na tila ayaw pa atang isabog ang liwanag... kasi, maliit nga yung ilaw. Hehehe... 'Ni lagaslas ng hangin di ko naririnig, pero umuusok ang aking bibig sa bawat paghinga ko ng malalim. Senyales lang talaga na nandyan na lang sa tabi-tabi ang taglamig. Pero kahit malamig, kumain pa rin kami dito sa bahay ng ice cream. Hehehe.. Walang pinipiling panahon ang ice cream dito, tag-init man o taglamig...

I've been having a movie marathon now for, maybe, a week now. Wala kasing magawa. Hehe. Watching some good ol' movies of the past. Well, not so past, but some... ah... good movies. Sometimes, i try to practice my drawing skills. Just don't want to lose the talent, so i need to sharpen that.. Hehe.. It's drives me crazy when there's nothing to do, expecially in this season.. Winter season.. Parang lahat ng nangyayari eh napakabilis. Kagigising ko lang, ilang oras lang ang nakalipas, tulugan na naman. I never noticed time so much back home, because i don't mind time before so much. But, the day when i arrived here, everything has changed. Everything seems so fast. Or maybe i just worry too much. Haaaay...

Well, just enjoy the winter season and happy holidays to all of you. Godbless.

0 comments: